Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
PR-2024-08ANT-060

Umabot na sa 519,441 o mahigit 95 porsyento ng mga Antiqueño ang nairehistro sa Philippine Identification System o PhilSys upang magkakaroon ng kani-kanilang National ID.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin sa pag-arangkada ang mga tauhan ng Philippine Statistics Authority sa pagpunta sa kasulok-sulokan ng mga pamayanan sa probinsya upang mairehistro ang sinumang nais magkaroon ng National ID na magagamit bilang katibayan ng kanilang pagkakilalan sa anumang pakikipag-ugyanan o transaksiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan o pribadong sektor. 

Ang pagkakaroon ng National ID ay malaking tulong lalo na sa bahagi ng lipunan na madalas nahihirapang makipag-transact at makakuha ng serbisyo sa mga tanggapan sa kadahilanang hinahanapan sila ng dalawa o higit pang opisyal na ID o patunay ng pagkakakilalanlan.  Kalimitan, sila yaong nakatira sa mga malalayong lugar, mga mahihirap, mga kasapi ng katutubong pamayanan, mga matatanda at mga may kapansanan.   

Ang pagkakaroon ng National ID ay nagbibigay daan upang mapadali ang pag-angkin ng mga serbisyo ng pamahalaan at ng mga pribadong negosyo o tanggapan.  Ito ay isinabatas upang magiging susi sa makabagong pamamaraan ng pagbibigay at pagtanggap ng mga serbisyo - pribado man o sa gobyerno, at upang magpapadali sa paglipat sa tinatawag na digital economy kung saan pwedeng ang mga pakiki-ugnayan ay hindi na nangangailangan ng mga papel, presensya o pisikal na pera.

Pinagbabawal din ng batas (RA 11055) ang hindi pagtanggap ng National ID bilang opisyal at natatanging paraan ng pagkakilanlan ng isang tao.  Ang hindi pangtanggap nito ay may kaukulang kaparusahan na pagkakulong na hindi bababa sa anim na buwan hanggang dalawang taon o multa na hindi bababa sa Php50,000.00 hanggang Php500,00.00 o magkasamang kulong at multa ayon sa kapasyahan ng husgado.  Kaparehong kaparusahan ang kaakibat sa sinumang hindi awtorisadong nag-iimprenta o gumagawa, naninira o namemeke ng National ID.

Tags

PSA Negros Occidental and GCash Collaborate for KYC On-The- Go Event in Silay City, Negros Occidental

SILAY CITY – The Philippine Statistics Authority (PSA) Negros Occidental, in partnership with GCash, brought National ID services closer to the community during the KYC On-The-Go pop-up booth at…

Region 6 Makes Significant Progress in National ID Registration

WESTERN VISAYAS – The Philippine Statistics Authority (PSA) Region 6 has successfully registered 6,897,434 residents to the Philippine Identification System (PhilSys) as of December 27, 2024. This…

PSA RSSO 6 Enjoins Government and Private Organizations to Integrate with the National ID Authentication System

The Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office 6 (PSA RSSO 6) enjoins government agencies, financial institutions, and private organizations in Western Visayas to…